‘Forget the past’ ni PBBM pinalagan ng solon

‘Forget the past’ ni PBBM pinalagan ng solon

July 1, 2022 @ 11:35 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – “While it is good that we should be forward looking we should not forget the past.”

Ito ang patutsada ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro kay Pangulong Bongbong Marcos kasunud ng kanyang inauguration speech matapos nitong sabihin na “I am here not to talk about the past, I am here to tell you about our future…We do not look back but ahead.”

Sinabi ni Castro na nabudol na ang bansa ng may ilang beses kaya mahirap nang maulit pa.

“While it is good that we should be forward looking we should not forget the past so that the mistakes then will not be repeated and the atrocities done in yesteryears would be brought to justice. For our country to be truly progressive we must teach factual lessons to our youth about the past and hone their critical thinking as well as improve their lessons” paliwanag ni Castro.

Giniit pa niya na sa pamamagitan lamang ng pagtutok sa mga problema ng bansa makaka-move forward ang bansa at hindi sa pagkalimot sa nakaraan.

Umaasa si Castro na unang rerebyuhin ng administrasyon ang k-12 program at tutukan ang iba pang problema gaya ng mababang pasahod sa mga guro at ang panawagang pagsuspinde sa pagpapataw ng excise tax sa harap na rin ng patuloy na paglobo ng presyo ng langis sa bansa. RNT