Former SC CJ Sereno, nagbabala sa nambibintang ng pagnanakaw kay Kris!

Former SC CJ Sereno, nagbabala sa nambibintang ng pagnanakaw kay Kris!

December 6, 2021 @ 7:30 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Bigatin at astig pa rin si Kris Aquino. Talagang pinakikinabangan pa rin n’ya ang pagiging kadugo ng yumaong dalawang presidente ng bansa: ang pagiging anak ni Cory Aquino at kapatid ni Noynoy Aquino.

Ang former chief justice ng Supreme Court ng bansa pala na si Lourdes Sereno ang abugada n’ya ngayon, samantalang dati ay ang Divina law office na sumunod sa

Fortun Narvasa & Salazar Law Office.

Siyempre, bigtime din mga manananggol ni Kris, dapat lang, ‘di ba!

Lumutang ang pagiging bagong legal counsel ni Sereno para kay Kris nang maglabas ng warning ang dating chief justice na pwedeng mabilanggo ang sino mang magbibintang sa huli na may “ninakaw” na mga alahas mula sa Malakanyang at pag-aaari ni Imelda Marcos, dating First Lady ng Pilipinas.

Warning ng ex-chief justice:

“Criminal case na po ang maaaring harapin niyo sa pagbibintang na ginamit ni Kris Aquino ang alahas ni Imelda na ayon sa Supreme Court ay galing sa nakaw na yaman. Bangko Sentral ng Pilipinas at PCGG (Presidential Commission on Good Government) na po ang nagsabing imposible ito.”

Nasa vault ng gobyerno ang mga alahas at ‘di mailalabas nang walang court order, ayon pa kay Sereno.

Dagag ni Sereno: “Simula ngayon, kukuhanan na namin ng screenshots ang lahat ng magko-comment ng ganito, pati ang profile details niyo, at ipadadala sa Bangko Sentral, sa PCGG, at sa sinisiraan niyong tao.”

According to Sereno, spreading such rumors tarnishes not only Aquino’s name but the BSP and PCGG’s as well.

“Kaya’t iipunin na po namin ang mga screenshots ng ganitong mga comments at ipadadala sa kinauukulan,” warning ng dating chief justice.

Laos na isyu na ang bintang kay Kris na nagnakaw umano siya ng ilang alahas na nagmula sa mga nakumpiska nu’ng sugurin ‘yon ng madla nu’ng People’s Power Revolution nu’ng 1986. Pero kamakailan ay may ilang netizens na inungkat na naman ang isyung ‘yon kay Kris kaya agad tumalima si Sereno in behalf of her VIP client. Danny Vibas