Fortun: Otopsiya kay Asuncion ‘binaluktot’ ng prosekyutor

Fortun: Otopsiya kay Asuncion ‘binaluktot’ ng prosekyutor

January 20, 2023 @ 8:48 AM 1 week ago


MANILA, Philippines — Pinalagan ng isang forensic pathologist ang resolusyon na inilabas ng mga state prosecutor, na nag-dismiss sa reklamong pagpatay na inihain laban sa 17 pulis dahil sa pagpatay sa lider ng manggagawa na si Manny Asuncion.

“I find their arguments crazy. They even twisted my findings, my report,” giit ni Dr. Raquel Fortun.

Sa pagbasura sa reklamo sa pagpatay, sinabi ng DOJ panel na ang autopsy ay hindi nagbigay ng “any findings or suggestion as to who caused the said injuries.”

“They wanted me to put in my report the identity of the assailants. We don’t do that. That’s crazy,” ani Fortun sa interbyu sa ANC. “It tells you that you don’t understand what forensic investigation is about. Is this a determined, concerted effort to simply dismiss the case?”

Nakasaad din sa resolusyon na hindi sapat na napatunayan ng asawa ni Asuncion na si Liezel ang kanyang mga alegasyon laban sa mga pulis.

Ngunit nauna nang sinabi ni Liezel na naka-ski mask ang mga lalaking naka-uniporme ng pulis at natatakpan ng pulang tela ang kanilang mga nameplate.

“How do you identify who shot the victim? You have physical evidence. This is where an independent, scientific, objective investigation should come in,” anang doktor.

“But generally in the Philippines, killers investigate themselves especially when you have people dying in police operations. Who does the investigation? It’s still the PNP (Philippine National Police),” aniya pa.

Si Asuncion ay 1 sa 9 na aktibistang napatay sa sabay-sabay na pagsalakay bago ang madaling araw noong Marso 2021 sa Cavite, Batangas, at Rizal.

Kabilang sa mga napatay ay ang mga pinunong mangingisda na sina Chai Lemita-Evangelista at Ariel Evangelista sa Nasugbu, Batangas. RNT