Forum shopping, pamumulitika kinastigo ni Vice Mayor Gian Sotto
February 14, 2022 @ 10:02 PM
4 months ago
Views:
481
Lydia Bueno2022-02-14T22:02:44+08:00
Manila, Philippines-Sa regular Council Session ng City Council ng Quezon City, kinastigo ni Vice Mayor Gian Sotto ang paggamit ni Councilor Allan Francisco ng privilege hour upang tirahin si Kongresman Alfred Vargas tungkol sa isang proyektong pa lupa at pabahay para sa mga taga Novaliches noong 2016.
Sinabi ni Francisco na mayroong mga pamilyang ayaw niyang sabihin ang pangalan, na lumapit umano sa kanya na humihingi ng hustisya at nagrereklamo tungkol sa nasabing proyekto.
Matapos ang pagsasalita ng Konsehal, tinanong ni Vice Mayor Sotto si Francisco kung kanyang kinausap at idinulog ang nasabing problema sa nasabing kongresista na kanyang inakusahan.
Sinabi ni Konsehal Francisco na hindi niya ito ipinaalam sa kongresista at wala siyang rason upang humarap dahil hindi naman siya ang nagrereklamo.
Binigyan-pansin naman ni Konsehal PM Vargas ang mga akusasyon ni Francisco laban sa kongresista.
Sinabi nito na tahasang pamumulitika ang ginagawa ni Francisco dahil 2015 pa nangyari ang proyekto at nasampahan na ng kaso ang mga may sala. Ika ni Vargas na kung nagtanong si Francisco, malalaman niya na matagal nang tinugunan ang problema at may mga kasong syndicated estafa nang naisampa.
Pinakita ni Konsehal Vargas ang makapal na folder na naglalaman ng mga aksyon na ginawa ukol sa isyu.
Dagdag ni PM Vargas na kung hindi pamumulitika ang pag-rehash ng isyu na eto ngayong malapit ang eleksyon at panahon ng kampanya, ano ang maitatawag pa rito.
Hinamon naman ni Vice Mayor Sotto na samahan ni Francisco ang mga nagrereklamo sa tanggapan ng kongresman upang mag-dialogue, tulungang makakamit ng hustisya at maresolba ang isyu. “Bro, ikaw ang nilapitan ng ating mga kapatid na humahanap ng hustisya at saklolo bakit hindi mo sila samahan?” Patuloy namang umayaw si Francisco sa dahilan na hindi siya kasama sa mga nagrereklamo. Dahil dito, minabuti ng vice mayor na akuin na ng tanggapan niya ang inilahad na reklamo kung saan siya na mismo ang mamagitan. Muli naman inimbitahan ni Sotto ang Konsehal sa nasabing planong paghaharap pero ito’y umayaw muli sa ikatlong pagkakataon.
Bago pa mag-init ang ulo ni Vice Mayor Sotto sa patuloy na pagtanggi ni Francisco upang matugunan at mabigyan ng hustisya ang inilabas nitong isyu, umapela si Konsehal Pumaren ng recess upang maituwid and maling proseso ni Francisco. Sa pagbalik ng session, pinaalala ni Vice Mayor Sotto kay Francisco na: “For purposes of efficiency and fairness, you should have addressed this to the office of Congressman Alfred Vargas himself before it is even addressed in the session of the City Council. Kaya ka siguro nasasabihan na namumulitika!” Hindi ko papayagan na gamitin ang privilege hour at session ng City Council para sa mga isyung ganito – dagdag ng Vice Mayor.
Si Konsehal Francisco ay tatakbo sanang kongresista sa 5th District ngayong 2022, ngunit ito ay biglaang umatras at sumuporta na lang sa ibang kandidato.
Si Konsehal PM Vargas naman ang nangunguna sa District 5 ayon sa lahat na lumabas na survey para sa posisyon na babakantihin ng kasalukuyang Kongresistang si Alfred Vargas.
Si Vice Mayor Gian Sotto naman ay muling tumatakbo para sa parehong posisyon bilang Vice Mayor ng Lunsod sa partido ni Mayora Joy Belmonte. RNT
June 28, 2022 @1:24 PM
Views:
29
QUEZON, Dead on the spot sa pinangyarihan ng krimen ang isang barangay kagawad, samantalang isang barangay tanod ang sugatan nang pagbabarilin ng isa sa dalawang lulan ng motorsiklo habang nagsasagawa ng clean and green project sa Barangay Masalucot 3 bayan ng Candelaria.
Kinilala ang biktimang nasawi na nagtamo ng tama ng isang bala sa dibdib mula sa kalibre 45 pistol na si Mario Mendoza, nasa hustong gulang, barangay kagawad, samantalang kasalukuyan namang ginagamot ang barangay tanod sa pinakamalapit na hospital matapos na tamaan ng ligaw na bala sa paa na si Boy Evangelista, pawang naninirahan sa nabanggit na lugar.
Base sa inisyal na report ng Candelaria PNP ganap na alas-6 ng umaga habang abala sa paglilinis ng kanal ang nasawi (biktima) kasama ang tanod at volunteers sa kanilang lugar nang bigla umanong paputukan ang nasabing kagawad nang malapitan ng isa sa dalawang sakay ng motorsiklo kung saan ang pangalawang putok ay tumama sa tanod.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen at CCTV napansin na tatlong beses nagpabalik-balik ang mga suspek kung saan nagsasagawa nang paglilinis ng kanal ang mga biktima na sinamantala ng mga suspek .
Napag-alaman na , walang alam na kaaway o nakagalit ang nasawi ,maliban umano sa pagsasabong nito, samantalang patuloy ang imbestigasyon ng Candelaria PNP para sa ikadarakip ng dalawang tumakas na salarin. Ellen Apostol
June 28, 2022 @1:12 PM
Views:
32
MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Martes na batay sa inisyal na imbestigasyon, maaaring nagsimula ang sunog sa isang astcraft vessel sa Bohol mula sa engine room.
Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.
“Sa initial inquiry ayon sa kapitan at crew, mukhang sa engine room na naman po nagsimula itong sunog na nangyari dito sa fastcraft,” aniya.
Matatandaang nagliyab ang fastcraft na MBCA Mama Mary Chloe sakay ang 157 pasahero at walong crew sa dagat sa pagitan ng Tugas at Tilmobo Islands sa Bohol.
Isa ang nasawi sa insidente, habang 164 ang nakaligtas. RNT/SA
June 28, 2022 @12:15 PM
Views:
31
MAGUINDANAO- PATAY ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspek habang ang una ay naglalakad nitong Lunes sa lalawigan ito.
Kinilala ang biktimang si Barangay Kagawad Macmod Masiangal, kasapi ng MILF Inner Guard Brigade at residente ng Barangay Labungan Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Batay sa report ng Datu Odin Police Station, naglalakad ang biktima patungong barangay hall ng bigla na lamang siyang pagbabarilin ng mga suspek gamit ang .45 kalibre na baril.
Tinamaan ang biktima sa likod na tumagos sa dibdib na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Cotabato City.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen./Mary Anne Sapico
June 28, 2022 @12:03 PM
Views:
44
MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaking pinaghahanap dahil sa kasong panggagahasa at pangwalo sa most wanted persons ng Northern Police District, Lunes ng umaga sa Malabon City.
Bandang 8:30 a.m. ng Hunyo 27 nang madakip si Charles Benedict Reyes y Lazaro, 22, istambay, ng 35 Mallari St, Brgy., Agustin, Malabon City.
Dinakma si Reyes sa bisa ng warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 293, Malabon City para sa kasong Rape.
Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng dinakip. Merly Iral
June 28, 2022 @11:51 AM
Views:
42
MANILA, Philippines – Mahigit 18,000 public safety at security forces ang nakatakdang i-deploy sa Huwebes, Hunyo 30, para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sinabi ni NCRPO spokesperson Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson na 13,846 sa kanilang sariling mga tauhan ang ide-deploy para sa oath-taking event.
“Magde-deploy tayo ng kabuuang 18,339 public safety and security forces na binubuo ng 13,846 NCRPO personnel; 1,061 tauhan mula sa Philippine National Police support units; at 3,432 personnel mula sa allied agencies at force multipliers,” aniya sa mensahe sa mga reporter.
Samantala, hinimok ng PNP nitong Lunes ang mga nagprotesta na kanselahin ang kanilang mga mass action laban sa inagurasyon ni Marcos.
“Hinihikayat ng PNP ang mga grupong nagpaplanong magsagawa ng mga aksyong masa sa Lungsod ng Maynila sa Hunyo 30 upang kanselahin ang kanilang aktibidad, ngunit kung igiit nila, papayagan silang magdaos ng pampublikong pagpupulong sa Freedom parks ng lungsod,” aniya naman.
Sinabi ni PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon nitong Lunes na ang mga freedom park na ito ay ang Plaza Miranda, Plaza Dilao, at Liwasang Bonifacio.
Ayon sa PNP, hindi papayagan ng pulisya ang mga mass action at public assemblies malapit sa venue ng event sa National Museum.
Maximum tolerance din naman ang ibibigay sa mga nagpoprotesta, sabi ni PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. RNT