France: 2700 inilikas dahil sa forest fire

France: 2700 inilikas dahil sa forest fire

August 6, 2020 @ 9:15 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Aabot sa 2700 indibidwal ang inilikas kabilang na ang mga turista sa komunidad ng Marseille, southern France makaraang sumiklab ang forest fires sa 1,000 ektarya o katumbas ng 2,500 acres.

Ayon sa ulat, 1,800 bumbero ang nagtulong-tulong para maapula ang nasabing sunog kung saan 14 ang nagtamo ng light injuries habang wala namang nasaktan sa mga sibilyan.

Nabatid na nagsimula ang apoy sa mga kabahayan at walong campsites malapit sa Martigues kung saan inilikas din ang mga residente sa komunidad ng Sausset-les-Pins.

Sa kabila nito, wala namang naitalang casualties kung saan aabot sa 15 kabahayan ang nailigtas. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...