France at Belgium, pasok na sa FIFA World Cup Semifinals

France at Belgium, pasok na sa FIFA World Cup Semifinals

July 7, 2018 @ 10:52 AM 4 years ago


FIFA – Diretsong semifinals na ang France matapos ilampaso ang Uruguay sa 2018 FIFA World Cup.

Hindi na pinaiskor pa ng France ang kalabang koponan sa dalawang goal nito sa 40th minute at 61st minute.

Samantala, pinatalsik naman ng Belgium ang big-time na Brazil sa kanilang quarterfinal series.

Isang abante lang ang kinailangan ng Belgium para talunin ang 5-time World Cup Champ Brazil sa iskor na 2-1.

Makakaharap ng Belgium ang France sa semifinal match sa darating na Miyerkules ng alas-2:00 ng madaling araw, oras sa Pilipinas. (Remate News Team)