France, muling nasungkit ang World Cup

France, muling nasungkit ang World Cup

July 16, 2018 @ 8:45 AM 4 years ago


 

Moscow – Muling nanaig ang France at nakuhang muli ang World Cup sa ikalawang pagkakataon matapos nitong tapusin ang pangarap ng Croatia para sa unang title, 4-2, kahapon (July 15) sa isang napakagandang laban.

Nanguna ang Frace sa kalagitnaan ng laban, 2-1 matapos gumawa ng sariling goal si Mario Mandzukic at VAR penalty ni Antoine Griezmann.

Bumawi naman sa second half ang Croatia na pinangunahan nina Paul Pogba at Kylian Mbappe na ikinabahala ng France. Buti na lamang ay naka-goal muli si Mandzukic at muli nanamang nagpakaba sa huling dalawampung minuto.

Sa huli, muli nanamang pinagharian ng France ang World Cup at itinaas ang tropeyo sa ikalawang pagkakataon kasunod ng kanilang panalo noong nakalipas na dalawampung taon.

Siniguro ng France na hindi na mauulit ang pagkatalo nila laban sa Portugal sa ginanap na European Championship final noong nakalipas na dalawang taon sa Paris.

Ang pagkapanalo rin ng France ay nangangahulugan na si Didier Deschamps, captain ng 1998 side, ay ang pangatlong tao na nanalo ng World Cup bilang player at coach sumunod kina Mario Zagallo ng Brazil at Franz Beckenbauer ng Germany.

Nagtala ang laban ng pinakamataas na score sa final simula noong tinalo ng England ang West Germany, 4-2, matapos mabigyan ng extra-time noong 1966 at pinakamataas rin sa normal time simula noong tinalo ng Brazil ang Sweden, 5-6, noong nakalipas na 60 taoan. (Remate News Team)