FRANCE PRO-PBBM DAHIL SA SONA

FRANCE PRO-PBBM DAHIL SA SONA

August 2, 2022 @ 7:33 PM 2 weeks ago


“VERY STRONG”.

Hindi ito lasa ng alak, kundi ay ang pananaw ni French Ambassador to the Philippines na si Michèle Boccoz sa mga pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address.

Para kay Boccoz, malakas at malinaw ang mensahe sa SONA ni PBBM. Iginigiit ng Pangulo na hindi niya hahayaang maagaw ang anomang teritoryo ng bansa na mga banyagang mananakop nito.

Ito ang napansin ng French Ambassador sa matikas na pahayag ni PBBM hinggil sa kanyang ‘foreign policy’, ang depensa at seguridad ng bansa, na ayon kay Boccoz ay taglay rin ng kaniyang bayan, kung saan ang France ay nakatutok.

Kaya nga raw mayroon din silang hanay o ‘fleet’ ng mga barkong pangdigmaan sa Dagat Pasipiko.
“Not a square inch of the Philippine territory being given away,” ang sabi pa ni Boccoz.

Ito raw ay senyales ng magandang kooperasyon sa pagitan ng France at Pilipinas na kanyang inaasahang titibay pa ang samahan.

Inihayag din Boccoz na bukod sa pagtutulungan sa larangan ng seguridad ng bansa, nakahanda rin ang France na tumulong sa administrasyon ni PBBM sa larangan ng energy, infrastructure, at economy.

Magiging “proactive” daw sila sa mga isyung ito katuwang ang Pilipinas para sa lahat ng mga Filipino.

Natalakay rin ni Boccoz ang tinaguriang punto ni PBBM sa kanyang SONA na ang Pinas ay magiging “a friend to all and an enemy to none,” sapagkat tinitiyak nito na tayo ay isang mahusay na kapitbahay o isang “good neighbor.”

Ang France ay isa lamang sa mga bansang pumupuri sa kahandaan ni Pangulong Marcos na pamunuan ang bansa. Nauna nang nagpugay ang bansang Amerika sa katauhan ng bagong ambassador nito sa Pilipinas na si MaryKay Carlson. Hindi lang ang dalawang super power ang nagpugay Kay PBBM, marami pang iba, kabilang na ang China.
oOo

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!