Francine, aminadong galisin!

Francine, aminadong galisin!

July 5, 2022 @ 4:16 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bihira sa mga artista ang umaamin  na noong bata pa sila’y tinubuan din sila ng galis sa katawan.

Isa na rito ang nagpaka-honest na si Francine Diaz.

Isa ito sa nilalaman ng latest vlog ni Bea Alonzo kung saan ipinangako ng Kapuso actress na isasailalim niya sa legit na lie detector test ang mga artistang ipi-feature niya.

Walang pangingiming inamin ni Francine na noong bata raw siya ay galisin siya.

Ipinaliwanag naman niya na lumaki raw siya sa Tondo.

At dahil bata, mahilig siyang maglaro.

Kadalasan, wala raw siyang sapin sa paa.

Pero siyempre, thing of the past na ‘yon.

More than ever, lalo’t artista na siya ngayon ay na-realize niyang dapat niyang pangalagaan ang kanyang balat at kutis.

Kung titingnan mo nga siya ngayon, hindi mo aakalaing ang lumaking magandang dalaga ay may itinatago palang dark past.

Anyway, sa vlog ding ‘yon ay inamin ni Francine na nakaranas siya na pinaplastik siya ng katrabaho niya.

Bagama’t hindi niya ito pinangalanan, sure ang mga netizens na walang iba ‘yon kundi si Andrea Brillantes na mahigpit niyang karibal noon kay Seth Fedelin.

Pero dedma na lang daw siya, hindi naman daw kasi siya confrontational na tao.

Ang pinaiiral daw niya ang panuntunan sa buhay na, “Choose your battles.”

Lalo’t kung may kawawaan. Ronnie Carrasco III