Francine, ‘di nagpapakabog kay Jane sa kahirapan!

Francine, ‘di nagpapakabog kay Jane sa kahirapan!

September 2, 2022 @ 7:20 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sob story ba ‘ika n’yo?

May kakabog pa ba sa kuwento ni Jane de Leon na noong bago niya pasukin ang showbiz ay mulat siya sa kahirapan?

Naroong naranasan daw ng kanyang pamilya na magdildil ng asin o ‘di kaya’y toyo at mantika lang ang ulam sa kanin.

Puwes, Jane is not alone!

Ayaw kasing pakabog ni Francine Diaz who also has her share of poverty stories.

Naranasan daw nilang maputulan ng kuryente.

Napalayas rin daw sila sa inuupahang bahay dahil kapos sa pambayad sa upa.

Tipid din daw ang kanilang pagkain dahil mas napupunta ang food budget sa gatas ng kanyang bunsong kapatid.

At noong sumasabak na sa auditions, para makasipot doon ay ipinangungutang ng nanay niya ang kanyang pamasahe.

At ngayong medyo nakakaalwan-alwan na sa buhay, Francine let her mother take care of her earnings.

Marunong daw kasi itong humawak ng pera.

Kaya naman bilang paghahanda sa kinabukasan ay may mga investments na rin si Francine.

She is aware that being in showbiz is not a thing of forever.

Sa positibong pananaw ni Francine dulot ng kahirapan sa buhay, hindi n’yo ba masasabing: “Sana all!”? Ronnie Carrasco III