Francine, sinigawan ng direktor!

Francine, sinigawan ng direktor!

July 18, 2022 @ 1:33 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Sumailalim sa legit na lie detector test si Francine Diaz nang maging panauhin ito sa vlog ni Bea Alonzo.

Ani Francine, wish daw niya na makatrabaho si Bea sa hinaharap dahil bata pa lang siya ay nasusubaybayan na niya ang Kapuso actress.

Sa pictorial naman niya kasama sina Andrea Brillantes, Belle Mariano, Alexa Ilacad, Charlie Dizon at Jayda Avanzado para sa Mega Magazine, ayaw daw niyang isipin na siya ang pinakamaganda sa mga ka-batch.

Bagama’t hindi niya diretsahang tinumbok, hindi naman niya ikinailang itinuturing niyang kakumpentensiya ang mga ito sa kasikatan lalo na si Andrea.

Hirit pa niya, never pa raw siyang nakipagplastikan sa katrabaho.

Aniya, kahit hindi raw niya feel ang katrabaho, lagi raw niyang ipinapakitang nice at professional siya.

Aminado naman siyang plinastik na siya ng nakatrabaho niya sa tanong ng kibitzers na pasaring kay Blythe.

Bumagsak naman siya sa test nang itanggi niyang mas swak ang FranKira kesa FranSeth at KyCine.

Paliwanag naman niya, kaya raw compatible sila ni Akira Morishita, ka-loveteam niya sa “Bola Bola”, ay dahil ang BGYO band member daw ang boy version niya.

Hindi rin siya nag-deny na nagkagusto na siya sa katrabaho bagama’t hindi niya ito pinangalanan.

Pa-fall daw kasi siya sa mga lalakeng magalang pero madalas sila raw iyong tipong nag-e-end up na mabuting kaibigan.

Hindi rin niya ikinailang nasigawan na siya ng direktor at medyo sumama ang loob niya rito.

Kung dati-rati raw ay patola siya, ngayon daw ay pinipili na lang niya ang kanyang gigiyerahin lalo na kung hindi ito worth ng kanyang time. Archie Liao