Francis magbibigay ng 100K euro sa Odette victims

Francis magbibigay ng 100K euro sa Odette victims

January 19, 2022 @ 11:11 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Vatican na nangako si Pope Francis ng 100,000 ($114,000) euros para sa relief efforts sa Pilipinas matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Martes na ang bilang ng namatay dahil sa Odette ay umabot sa 406.

Animnapu’t limang indibidwal ang nananatiling nawawala, habang 1,265 ang nasugatan.

Ang bagyong Odette ay nagdulot ng malawakang pagkawasak sa mga kahawaan ng lalawigang tulad ng Surigao del Norte, Dinagat Islands, Cebu, at Palawan.

Ayon sa NDRRMC, nasa 2,335,757 pamilya ang apektado ng 11 rehiyon at 38 probinsya.

Maalala na inihayag ng Santo Papa ang kanyang pag-aalala sa mga Filipino matapos manalasa ang bagyo Kung saan sa kanyang tweet ay may hashtag na#PrayTogether

“I express my closeness to the population of the Philippines, struck by a strong typhoon that has caused many deaths and destroyed so many homes,”

“May the ‘Santo Niño’ bring consolation and hope to the families of those most affected,” sabi ng Papa

Nangako rin ang Papa na magbibigay ng 100,000 euros para tulongan ang mga migrante na naharang sa hangganan sa pagitan ng Poland at Belarus, inihayag ng Vatican.

Kasama sa pera ang suporta para sa Catholic charity Caritas Poland “upang harapin ang migration emergency sa border sa pagitan ng dalawang bansa”.  Jocelyn Tabangcura-Domenden