Francis nabahala sa ‘Russian invasion’

Francis nabahala sa ‘Russian invasion’

February 24, 2022 @ 10:41 AM 4 months ago


Sinabi ni Pope Francis na “lumaganap ang mga nakababahalang sitwasyon” sa Ukraine na nagbabanta sa “kapayapaan ng lahat” sa gitna ng pangamba sa pagsalakay ng Russia.

“Despite the diplomatic efforts of these past weeks, increasingly alarming scenarios are emerging,” anang Santo Papa

Hiniling ni Papa sa lahat ng sangkot na partido na umiwas sa anumang Aksyon na maaring magdulot ng higit pang pagdurusa para sa populasyon.

“I ask all of the parties involved to abstain from any action that could cause still more suffering for the population,” pahayag pa ng pontiff.

Sinabi rin ni Francis na sa susunod na Miyerkules ay Ash Wednesday sa Christian calendar at ang simula ng panahon ng Kuwaresma, ay magiging isang “araw ng pag-aayuno at ng panalangin para sa kapayapaan”.

“So that the reign of peace can preserve the world against the madness of war,” sabi ng Santo Papa.

Nauna nang nanawagan ang Santo Papa para sa kapayapaan sa Ukraine. Jocelyn Tabangcura-Domenden