Franki, feeling lucky kay Diego!

Franki, feeling lucky kay Diego!

September 10, 2022 @ 9:55 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Of late ay nali-link sa isa’t-isa -ang Pinoy Big Brother (PBB) housemate noong 2019, ang half-Pinay, half-New Zealander na si Franki Russell at ang aktor na si Diego Loyzaga. Wala namang pag-amin na naganap ngunit binanggit noon ni Diego na sila ni Franki ay dating.

Ngayon ay magkasama sina Franki at Diego sa isang pelikula under Vivamax, ang Pabuya. Ito ang unang pelikula ni Franki, where her first acting experience was in “Ang Probinsyano”.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho ni Franki kay Diego?

“I felt lucky working with Diego. I’m confortable and I learned a lot working with him, it’s fun,” sabi ng kauna-unahang representative ng Pilipinas sa first-ever Miss Universe pageant sa United Arab Emirates.

Hindi naman nagpatalo si Diego na agad ding sumagot.

“It’s always a good thing being around with Franki, it was great,” sabi ng aktor.

Hindi na bago kay Franki ang i-flaunt ang kanyang katawan dahil nakapost sa kanyang socmed accounts ang kanyang mga sexy pics.

Naging mahirap ba sa kanya tanggapin ang sexy na role sa Pabuya?

“How difficult for me to accept sexy role? I felt excited and hungry for the role, napakaganda ng story.

“Also, I feel confident with my body, I flaunt it and I’m excited for you guys to see it,” sabi pa niya na parang nangti-tease.

Tungkol sa isang gang leader ang Pabuya na hinabol ng mga pulis at nagtatago sa puder ng isang babae.

Tanong tuloy kay Franki, who’s the first person that comes into her mind kapag may kinakaharap siyang challenge?

“I will definitwly go to my mom ‘pag may problem,” sabi niya.

Ganu’n din ang tanong kay Diego at ang kanyang sagot: “Kay Boss Vic (del Rosario, Viva Films boss), ‘pag may problema ako kay Boss Vic ako lalapit especially sa finances,” natatawang sabi ng aktor.

Kasama rin sa pelikulang Pabuya sina Jela Cuenca, Felix Roco, Jiad Arroyo, at Marco Gomez, directed by Philip Giordano. Streaming na sa Vivamax ang Pabuya sa October 7. JP Ignacio