Fratman suspect sa Salilig hazing slay na natagpuang patay, nagpatiwakal

Fratman suspect sa Salilig hazing slay na natagpuang patay, nagpatiwakal

March 4, 2023 @ 1:54 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang nagpakamatay ang isa sa suspek sa hazing slay ni John Mathew Salilig, ayon sa awtoridad.

Sinasabing ang natagpuang wala nang buhay na bangkay ng suspek ang siyang nagmamaneho ng kulay silver na SUV na ginamit nang ilibing ang bangkay ni Salilig.

Sinabi ni Plt. Col. Virgilio Jopia, acting chief of Police ng Binan, na natuklasan nilang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang suspek na kinilala lang sa alyas ‘Sakmal’ na isang alumni ng Tau Gama Phi.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Salilig sa mababaw na hukay sa Cavite na tadtad ng mga pasa mula sa halos 70 palo sa nasabing initiation rites. RNT