Freddie Aguilar, napilitan lang tumakbo?

Freddie Aguilar, napilitan lang tumakbo?

October 11, 2018 @ 1:18 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Inamin ng singer na si Freddie Aguilar na matagal na siyang kinukumbinsi na tumakbo sa pagka-senador dahil sa kaniyang mga adbokasiya.

Ngayong araw, October 11, kabilang si Aguilar sa mga nagpasa ng certificate of candidacy para sa pagka-senador sa 2019 national and local elections sa Commission on Elections (Comelec).

Sa isang maiksing press conference, sinabi ni Aguilar, 65-anyos, na siya ay nakumbinsi lamang ng ordinaryong mamayan para tumakbo sa Senado.

“After 40 years po, nakumbinsi na akong tumakbo sa Senado. Matagal na po nila akong kinukumbinsi dahil daw po sa mga advocacies ko sa mga kanta ko. ‘Yung nagpapayag po sa akin mga ordinaryong mamamayan lang po,” ayon kay Aguilar.

“Pati po ako na walang hilig sa politics ay tumakbo na rin po. Mahal na Panginoon na po ang magsasabi kung saan tayo pupulutin.”

Kasama ni Aguilar ang kaniyang secretary na si Lorie San Pedro nang maghain siya ng COC sa Comelec.

Nang tanungin kung ano ang maitutulong niya sa Senado, sinabi ni Aguilar, “Marami po, tulad po nung kanta kong Katarungan… 1980 ko pa po ‘yun pinasikat, ang pinatutungkulan ko po doon ay hustisya po natin.”/Remate News Team