FREE COLLEGE EDUCATION ANG KAILANGAN

FREE COLLEGE EDUCATION ANG KAILANGAN

January 31, 2022 @ 11:25 AM 8 months ago


MARAMI sa ating mga kababayan ang hirap sa panahong ito partikular nang tumama ang pandemya sa ating bansa.

Marami rin ang natigil sa pag-aaral habang ang iba nama’y walang maipantustos para mairaos o maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral dulot ng kahirapan.

Kaya naman nandito ang Una Ang Edukasyon Partylist number 150 sa balota, upang umagapay sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan partikular ng ating mga mahihirap na kabataan na gusto pang magbalik o pumasok sa paaralan.

Ang inyo pong lingkod ay handang isulong ang mga batas para sa edukasyon partikular ang Free College Education Law kung saan ating nasimulan na noong akoy nanungkulan at handa nating ipagpatuloy sa Kongreso.

Kamakailan lamang sa ginanap na Report to the Nation media forum ng National Press Club ay nabigyan tayo ng pagkakataon na maipaliwanag ang kahalagahan ng edukasyon at libreng pag-aaral sa kolehiyo sapagkat alam natin na ang edukasyon ang susi sa kinabukasan ng ating bayan partikular ng ating mga kabataan.

Makaaasa po kayo na ating tututukan at babalikatin ang pagsusulong ng mga programang libreng edukasyon at gagawa tayo ng paraan upang mabigyan ng sapat na pondo ng pamahalaan ang aking isusulong na programang iyan.

Sa ating muling pagsabak ngayong nalalapit na halalan sa Mayo, may tinatawag kaming PAK sa Una Ang Edukasyon Partylist isang acronym at yan ay ang P-Plataporma, A-Aksyon at K-Kakayahan na ating pinanghahawakan at ipinagmamalaki sa aming partylist.

Kaya naman ang ating panawagan sa ating mga kababayan, suportahan ang tunay na partylist na handang umagapay sa taumbayan partikular ang nagsusulong na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa katulad na lamang ng Una Ang Edukasyon Partylist.

                     —000—000—000—

PALAKASIN ANG AGRI SECTOR

Nais ko munang umapela at hikayatin ang ating pamahalaan na sana’y palakasin nang husto ang sektor ng agrikultura para matugunan ang major economic concerns sa kabila ng mas mabilis kaysa inaasahang gross domestic product growth noong 2021.

Alam n’yo po. mga kaibigan, ang GDP ng bansa ay lumago ng 5.6 percent noong nakaraang taon, kung saan nahigitan pa nito ang  government target na 5 hanggang 5.5 percent.

Sa totoo lang mas malaki pa sana ang maiaambag ng agrikultura kung nailagay lang nang maayos ng mga kinauukulan ang ‘rational policies.’

Ang inflation ay mas mataas sa government target na 2 hanggang 4 percent sa maraming bahagi ng 2021 dahil sa mataas na presyo ng karne, lalo na ang baboy dahil sa African Swine Fever.

Ang full year inflation naman ay nasa 4.5 percent, lubhang mataas kumpara sa 2.6 percent noong 2020 kaya naman dapat gumawa ng paraan ang gobyerno na matutukan nang husto at mas mapalkas ang sektor ng agrikultura upang mas lumago ay makabawi ang ating ekonomiya.

                    —000—000—000—

Para sa inyong mga komento o sumbong, maaari po kayong tumawag o mag text sa ating 1-Ang Edukasyon Party-list Hotline: 0927.930.25.81 at makaka asa po kayo sa agarang tugon ng inyong mga mensahe.