Free legal assistance sa military at uniformed personnel lusot na

Free legal assistance sa military at uniformed personnel lusot na

December 12, 2022 @ 5:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aprubado na sa Kamara ang House Bill 6509 o pagbibigay ng Free Legal Assistance para sa mga Military at Uniformed Personnel.

Nasa 248 mambabatas ang bumoto pabor sa panukala kung saan sakop sa mabibigyan ng libreng legal assistance ang Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police na mahaharap kasong criminal, civil, o administrative case na nagmula sa service-related incidents.

Ang government lawyer ang itatalaga para sa libreng legal assistance.

Ang nasabing panukala ay isa sa priority bills ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang sponsorship bill, sinabi ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, na nararapat lamang na bigyan ng ganitong assistance ang mga uniformed personnel upang lubos nilang magampanan ang kanilang tungkulin nang walang takot.

“Uniformed personnel of the government put their lives on the line on a daily basis so that people may enjoy the peace and order envisioned under the law. However, in the course of the performance of their duties a number of these personnels are at times accused of harassment, human rights violation, and other charges,” paliwanag ni Acidre.

Maliban sa kanya ay kasamang may akda ng nasabing panukala sina House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez. Gail Mendoza