Free public internet hotspot, pinadadagdagan

Free public internet hotspot, pinadadagdagan

October 7, 2022 @ 2:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kailangan-kailangan ng mga Pinoy ang mas maraming libreng public Internet at Wi-Fi hotspots sa iba’t ibang lungsod.

Ito ang idiniin ni Quezon City 4th district Rep. Marvin Rillo, na paraan upang matugunan ang pangangailangan ng mga pangkaraniwang Filipino.

“We desperately need more physical locations where Filipinos who cannot afford Internet at home can benefit from a free Wi-Fi connection, and use it to access public services, look for gainful employment, or download learning materials,” ani Rillo.

Maliban dito, inihayag rin ng kongresista na 73% ng mga Pinoy ay gumagamit ng cellphone at kailangan ng Internet.

Sa kasalukuyan ay nakapagtayo na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng 4,518 sites na makapagbibigay ng libreng Wi-Fi hostpots sa mga pampublikong lugar sa buong bansa batay sa huling ulat nito noong Hunyo 29, 2022.

Matatandaan na sa nagdaan pagdinig para sa 2023 General Appropriations Bill (GAB) sa Kamara, natukoy na binigyan ng pondong P2.5 bilyon para sa Free Public Internet Access Program (FPIAP) ang DICT.

Noong 2017 ay ipinasa ang Republic Act No. 10929 o Free Internet Access in Public Places Law of 2017 nagmamandato sa DICT sa pamamagitan ng FPIAP na lagyan ng libreng Internet connectivity ang mga pampublikong lugar. RNT/JGC