Free trade deal ng Pinas, SoKor sisikapin maisakatuparan

Free trade deal ng Pinas, SoKor sisikapin maisakatuparan

October 10, 2022 @ 4:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Target ng bansa na maisakatuparan na ang pagpasok nito sa free trade agreement kasama ang South Korea sa susunod na taon.

Ang free trade agreement ay magbibigay benepisyo sa mga lokal na exporter ng saging at pinya sa pamamagitan ng pinababang taripa.

Ayon kay Department of Trade and Industry Undersecretary Ceferino Rodolfo, umaasa siyang matutuloy na ang signing of agreement sa Nobyembre.

“We’re done with the legal scrubbing. I will be going to Korea on Oct. 14 to 17 for a joint economic committee [meeting], but that also includes meeting with my counterpart for the FTA to prepare for the signing,” ani Rodolfo.

“That is very critical for us in terms of trade value because that is big. We are also competitively disadvantaged vis-à-vis Vietnam,” dagdag pa niya.

Matatandaan ang Vietnam ay pumirma rin ng FTA sa South Korea noong 2015.

“Within five years, the 30 -percent tariff would be declining until it reaches zero on the fifth year,” paliwanag ni Rodolfo sa posibleng scenario kung mapipirmahan nga sa Nobyembre ang free trade deal sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

“We are already working with the Department of Foreign Affairs so that we can prepare for the requisite certificate of concurrence with the agencies, and then its submission to the Office of the President,” dagdag pa niya. RNT/JGC