Free tuition sa law studes sinusulong ni Tulfo

Free tuition sa law studes sinusulong ni Tulfo

December 18, 2022 @ 4:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippiens – Ipinanukala ni Senator Raffy Tulfo ang panukalang pagbibigay ng libreng matrikula para sa mga indibidwal na kukuha ng abogarsiya sa ilalim ng inihaing Senate Bill 1610.

Sa kasalukuyan kasi, ani Tulfo na ang ratio ng isang abogado ay katumbas para sa 2,500 katao.

“At present, there are only around 40,000 attorneys comprising the Integrated Bar of the Philippines – even fewer are practicing lawyers. That translates to one lawyer serving roughly 2,500 people, very far from the ideal ratio of one lawyer for every 250 persons,” paliwanag ni Tulfo.

“One of the reasons for the lack of access to justice in the Philippines is the shortage of practicing lawyers,” giit pa niya.

Nabanggit ng senador na ang panukala ay naglalayong tiyakin na ang mga mag-aaral ng batas ay magkakaroon ng access sa legal na edukasyon sa mga SUC, at kasabay nito ay dagdagan ang mga manggagawa ng legal na propesyon.

Sa mga nangungunang pribadong legal na institusyong pang-edukasyon, ang legal na edukasyon ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang P75,000-P98,000 kada semestre, habang ang matrikula sa mga state universities ay mula P24,000 hanggang P30,000, hindi kasama ang mga gastusin sa pamumuhay at iba pang pangangailangan, ayon kay Tulfo.

Dagdag pa rito, sinabi niya na ang pangangailangan na magbigay ng return service sa pampublikong sektor ay magbibigay daan para sa isang sustainable human resource deployment sa pampublikong sektor na kritikal para sa sistema ng hustisya ng bansa. RNT