‘Free Wi-Fi’ project ng DICT, palpak  – COA

‘Free Wi-Fi’ project ng DICT, palpak  – COA

July 21, 2018 @ 1:41 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Palpak ang naging implementasyon ng ‘free Wi-Fi’ da apat na taong pag-iimplementa ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sa 2017 audit report, ayon sa Commission on Audit, kakulangan sa planning ot coordination ng  P6.5-billion worth na proyekto ang naging rason ng delayed at palpak na implementasyon ng tinaguriang ‘Project Pipol Konek.’

Lumalabas sa records na 2011 pa lang nang planuhin ang 5-year program na ito para bigyan ng libreng internet ang publiko na pinangalanang ‘Internet for All project’.

Taong 2015 nang magsimula ito sa pangalang Pipol Konek na umabot na rin sa administrasyon Duterte noong 2016.

Pero sa pag-aaral ng COA, lumalabas na ‘very low-performance rate’ ito noong December 2017 pa. (Remate News Team)