Free Wi-Fi sa mga eskwelahan sa Las Piñas ikinasa

Free Wi-Fi sa mga eskwelahan sa Las Piñas ikinasa

September 13, 2020 @ 9:47 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Mas mapadadali na ang internet access sa ilang pampublikong eskwelahan sa Las Piñas matapos magkabit ng libreng Wi-Fi ang pamahalaang lungsod.

Lubos naming makatutulong ito sa mga guro at estudyante lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan nagpapatupad ng blended learning ang Pilipinas.

Ang proyekto ay sa pamamagitan ng partnership sa pagitan ng Las Pinas City Government sa ilalim ni Mayor Mel Aguilar, City Council sa pamumuno ni Vice Mayor April Aguilar-Nery at ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kabilang sa mga eskwelahang nalagyan ng libreng Wi-Fi ay ang:

  • Las Pinas National Senior High-Don Jose Campus,

  • Las PInas National High School-Almanza,

  • TS Cruz High School,Almanza Elementary School-TS Cruz Annex,

  • Pilar Village Elementary School,

  • Moonwalk Elementary School,

  • Moonwalk Elementary School-Mikesell Annex,

  • Ilaya Elementary School,

  • Las Piñas National High School-Gatchalian,

  • Gatchalian Elementary School,

  • Las Piñas North National High School,

  • Vergonville Elementary School, CAA National High School-Annex,

  • Captain Albert Aguilar National High School at CAA Elementary School-Annex.

Mahigit 100,000 mag-aaral at  4,000 guro naman ang makikinabang sa libreng Wi-Fi na malaking tulong sa online/distance learning ng mga ito, sa ilalim ng Blended Learning program ng Department of Education (DepEd) ngayong panahon ng pandemya.

Isusunod naman ng Las Piñas government na malagyan rin ng Wi-Fi ang mga ospital,himpilan ng pulisya, state universities and colleges, at terminal ng pampublikong sasakyan. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...