Freedom of religion aprub na sa Kamara

Freedom of religion aprub na sa Kamara

January 24, 2023 @ 8:31 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Aprubado na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa nitong Lunes, Enero 23 ang panukalang magbibigay ng kalayaan sa relihiyon.

Ito ay sa ilalim ng House Bill 6492 na nakatanggap ng 256 yes votes, isang no vote at tatlong abstentions kasabay ng plenary session.

Layon ng House Bill 6492 na ipagbawal ang anumang gawain na pumipigil sa karapatan ng isang tao sa religious freedoms katulad na lamang ng panggigipit o impluwensya dahil sa isang relihiyon, pagpapahiya, pananakit o pananakot sa kung ano ang religious belief ng isang indibidwal.

“The right of every Filipino to profess, practice, and propagate religious beliefs must always be recognized, respected, allowed and protected. Towards this end, the state must ensure that no act of the government or any of its agencies, instrumentalities, officers or employees shall burden, curtail, impinge or encroach on the person’s right to exercise one’s religious belief, freedom and liberty of conscience,’ saad sa panukala.

“In addition, the government must also prohibit any act by a person, natural or juridical, or any group of persons that burdens, curtails, impinges or encroaches on the said right.”

Mahaharap sa parusang P100,000 hanggang P2 milyon o pagkakulong na mula anim na buwan hanggang 10 taon ang sinumang lalabag dito sa oras na maisabatas.

Tinanggap naman ng principal author ng naturang panukala na si Benny Abante ng Maynila, ang suhestyon ni Albay Representative Edcel Lagman, na ang real properties ng anumang simbahan o organisasyon na gagamitin para sa religious o commercial at proprietary purposes ay bubuwisan sa non-religious purposes kung saan ito kumikita. RNT/JGC