Freedom parks limitado lamang sa mga raliyesta sa Hunyo 30 – MPD

Freedom parks limitado lamang sa mga raliyesta sa Hunyo 30 – MPD

June 10, 2022 @ 3:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Limitado lamang ang freedom parks na maaring pagdausan ng rally ng mga militanteg grupo na nais magsagawa ng kanilang programa sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., ayon sa pamunuan ng Manila Police District.

Ilan lamang sa mga tinukoy ni MPD-PIO Chief Major Philipp Ines na mga freedom parks ay ang Plaza Miranda sa Quiapo, Plaza Dilao sa Paco, Plaza Moriones sa Tondo at Liwasang Bonifacio sa Ermita.

Ito ay makaraang pumalag ang Grupong Bayan sa pangunguna ni Renato Reyes sa pagbabawal Ng pulisya na magsagawa ng rally lalo na kung walang permit.

Ayon kay Ines, magpapatupad ang kapulisan ng ‘maximum tolerance’
sa mga rally .

Ang mga magtatangka namang makalapit sa National Museum na idineklarang ‘no rally zone’ ay kanila namang haharangin.

Nauna nang sinabi ni MPD Director P/Brig.Gen.Leo Francisco na 7,000 hanggang 8,000 ang ipapakalat na pulis kasama ang mga force multipliers, NCRPO sa bisinidad at iba pang lugar sa Maynila para matiyal ang kapayapaan ng makasaysayang inagurasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden