Freelance liaison timbog sa mga baril, granada sa Malolos checkpoint

Freelance liaison timbog sa mga baril, granada sa Malolos checkpoint

April 6, 2022 @ 7:05 PM 3 months ago


Bulacan- Arestado kalaunan ang isang 50-anyos na lalaki na nahulihan ng mga baril at granada matapos humarurot sa checkpoint sa lungsod Malolos.

Kinilala ni Bulacan Police acting director PCOL Rommel Ochave ang suspek na si Fernando Alejo, 50, freelance liaison, residente ng Brgy. San Juan.

Sa report, nangyari ang insidente sa ikinasang checkpoint ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) kasama ang Malolos police nitong Abril 5 sa Brgy. Bulihan ng naturang lungsod.

Sinasabing imbes na huminto ang suspek na lulan ng itim na Ford Eco Sport para sa routine inspection and checking ay humarurot pa ito.

Nang masukol ang sasakyan ay nakitaan ito ng isang pistola hanggang sa tumambad at marekober pa ang isang .45 cal. Armscor pistol, 9mm revolver, MK2 hand grenade at cash money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng 1st PMFC ang suspek at mga ebidensiyang nahuli para sa imbestigasyon maliban sa MK2 hand grenade na nasa PECU.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek. Dick Mirasol III