Freelancer rider timbog sa entrapment

Freelancer rider timbog sa entrapment

June 22, 2022 @ 8:03 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang 32 anyos na freelancer rider sa entrapment operation na ikinasa ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa harap ng isang mall sa Tondo, Maynila.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek na si  Ryan Labastida, binata ng B5 Sawata Area 2 Dagat Dagatan, Caloocan City.

Ayon sa ulat ni alas 10 ng umaga nang isagawa ang entrapment operation sa naturang lugar matapos siyang ireklamo ng isang gown designer .

Sa reklamo ng biktima, lagi siyang binabantaan ng suspek na dati niyang karelasyon na ipapakalat ang malaswa nitong larawan sa social media  kapag hindi nakipagkita at nakupagbalikan.

Dahil dito, nagpasaklolo ang ginang sa pulisya at pinlano ang entrapment laban sa suspek.

Siya ay nahaharap sa mga  kasong Grave Coercion , Anti-Photo and Video Voyeurism Act , Anti-Violence against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262), at Safe Spaces Act (RA 11313) na pawang may kaugnayan sa Section 6 ng R.A  10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012.” Jocelyn Tabangcura-Domenden