Freeze order sa bank accounts, assets ng Kapa inilabas ng CA

Freeze order sa bank accounts, assets ng Kapa inilabas ng CA

June 10, 2019 @ 6:13 PM 3 years ago


 

Manila, Philippines – Nag-isyu na ang Court of Appeals ng freeze order laban sa mga bank accounts at asset na may kaugnayan sa Kapa ministry international incorporated.

Ang Kapa ay isang korporasyon na nagpapatakbo umano ng investment scam sa Mindanao.

Inisyu ng CA ang freeze order bilang tugon sa petisyon ng SEC at ng Anti Money Laundering Council.

Ipinatigil ng AMLC ang paggamit ng salapi at asset ng Kapa habang iniimberigahan ito dahil sa paglabag umano sa SeC regulation code.

Batay sa imbestigasyon, hinihikayat umano ng Kapa ang mga miyembro nito na mag donate ng hindi bababa sa P10,000 pero kahit donasyon ay nangangako umano ang Kapa na may tubo ito kada buwan na 30 porsyento at habambuhay na ibibigay.

Ayon naman sa SEC, investment scam ang ginagawa ng Kapa dahil hindi ito rehistrado bilang isang investment company. Beth Dominguez