Fresh, new ideas kailangan pang-akit ng turista-PBBM

Fresh, new ideas kailangan pang-akit ng turista-PBBM

October 18, 2022 @ 10:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan para sa tourism industry players at stakeholders na makagawa ng “fresh” at “new” ideas para makapanghikayat ng maraming turista na ba-byahe sa Pilipinas at buhayin ang inilarawan niyang “key players” sa progreso sa bansa.

Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay bilang papuri na rin sa pagsisikap ng Department of Tourism’s (DOT) na konsultahin ang regional tourism offices hinggil sa pamamaraan para suportahan ang pagbangon ng industriya ng turismo na binansagan bilang “listening tours.”

“Following the pandemic, we need fresh and innovative ideas to bring back the imagination and the confidence of our people—from here and abroad—so they will be encouraged to explore the best destinations that the country can offer,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa Philippine Tourism Industry Convergence Reception (PTICR) sa SMX Convention Center sa Pasay City.

“The avenues you have opened for all regions will be instrumental not only in formulating the best policies, but also in determining better practices and the best projects for the industry,” dagdag na wika ng Pangulo.

Mananatili naman aniyang committed ang gobyerno na tiyakin na ang “inputs acquired” mula sa listening tours ng DOT ay magiging “optimized” para sa kapakinabangan ng sektor ng turismo.

Sa kabilang dako, pinuri naman ng Pangulo si DOT Secretary Christina Frasco para sa pagpapanatili sa kanyang administrasyon “on their toes” sa pagkakaroon ng malinaw na vision ng kanyang plano para sa sektor ng turismo.

“Frasco’s strategy of empowering local government units (LGUs) was a no-brainer given her experience as a former mayor of Liloan municipality in Cebu,” aniya pa rin.

Bilang bahagi ng mas palakasin pa ang sektor ng turismo, inulit ng Chief Executive ang kahalagahan ng mas pagde-develop pa ng “existing travel destinations and developing new ones.”

“…The greatest asset that we have in the PH are the 107 million Filipinos who are a young, well-trained workforce who are as kind of people, who are as hospitable of people, as gracious of people as you will find anywhere in the world,” anito.

Naniniwala aniya siya na ang mga Filipino ay mahalaga sa “reintroducing” ang Pilipinas sa buong mundo.

“I am confident because I have said this many many times that there is no warmer, more poignant sight than the smile of a Filipino and that is something that we can introduce to the world,” aniya pa rin. Kris Jose