Fried chicken, most ordered food sa Pinas sa 2022 – Grab

Fried chicken, most ordered food sa Pinas sa 2022 – Grab

December 12, 2022 @ 5:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itinanghal na ‘most ordered food in 2022’ ng “PH Food and Grocery Trends 2022” ng Grab ang fried chicken.

Naungusan nito ang dating nangunguna sa Pinas noong 2021 na burger.

Sa pag-aaral mula sa datos na nakuha mula Enero hanggang Setyembre 2022, lumabas na mayroong halos 55,000 na order ng fried chicken araw-araw sa bansa ngayong taon.

Maliban sa fried chicken, nakapagtala rin ang Grab ng pagtaas sa demand para sa kape na nasa ika-limang pwesto, burger steak sa ikaanim na pwesto, nuggets sa ikasiyam at halo-halo sa ika-10 pwesto.

Nananatili naman ang burger sa ikalawang pwesto ng most-ordered food sa 2022, sinundan ng pasta, ice cream, fries at pie. RNT/JGC