Friendly consultations, hirit ni Xi Jinping kay PBBM sa usapin ng South China Sea

Friendly consultations, hirit ni Xi Jinping kay PBBM sa usapin ng South China Sea

November 18, 2022 @ 2:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kailangang manatili ang “friendly consultations” ng Pilipinas at China  pagdating sa usapin ng  South China Sea.

Ito ang inihayag ni Chinese President Xi Jinping sa isinagawang  bilateral talk kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines  ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Bangkok, Thailand.

“On the South China Sea, the two sides must stick to friendly consultation and handle differences and disputes properly,” ayon kay Xi sa isang kalatas na ipinalabas ng  Chinese Embassy.

“As two developing countries in Asia, China and the Philippines need to keep strategic independence, uphold peace, openness and inclusiveness, and stay the course of regional cooperation,” dagdag na wika nito.

“Manila and Beijing should work together “to reject unilateralism and acts of bullying, defend fairness and justice, and safeguard peace and stability in the region,” aniya pa rin.

Kung matatandaan,  hinamon ng Pilipinas ang China noong 2013 kaugnay sa pag-angkin nito sa naturang rehiyon.

Sa kabilang dako,  dapat na panindigan ang international law at ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)  sa usapin na may kinalaman sa  territorial issues.

Ipinahayag ni Pangulong Marcos, nakatakdang magkaroon ng state visit sa China sa susunod na taon, sa bilateral meeting na ang relasyon ng dalawang bansa ay hindi dapat maapektuhan ng mga isyu patungkol sa karagatan at sa halip ay mas pagbutihin pa ang pag-uusap.

Handa aniya ang Pilipinas na makasama sa aktibong konsultasyon kasama ang  China  upang makahanap ng paraan para  isulong ang  joint exploration ng  maritime oil at gas resources.

Samantala, binigyang diin naman ni Xi  ang kahandaan ng China na panatilihin ang regular na komunikasyon sa Pilipinas upang matugunan ang mga suliranin at pangangailangan.

Kailangan aniya ng dalawang bansa na laliman ang ‘synergy’ sa pagitan ng Belt and Road Initiative at Philippines’ “Build, Build, Build” program, upang matiyak ang tagumpay ng “Davao-Samal Bridge project, at mas silipin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa clean energy, education at public health.

Handa rin aniya ang China na mag-angkat ng mas maraming de-kalidad na  agricultural at sideline products mula sa Pilipinas.

“The two sides need to take more concrete steps to increase people-to-people and cultural exchanges and cement public support for China-Philippines friendship,” ayon kay Xi.

“China will work with the Philippines to carry forward their friendship and cooperation, commit to national development and rejuvenation, and write a new chapter in China-Philippines friendship,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose