“FRIENDS” series, nakabubuti sa mga may anxiety

“FRIENDS” series, nakabubuti sa mga may anxiety

May 7, 2019 @ 3:23 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Ang bawat isa ay nakararanas ng anxiety sa ilang punto ng kanilang buhay. At kung sakaling makaramdam ka nito,  ang panunuod ng seryeng “Friends”ay makatutulong iyo.

Ayon sa clinical psychologist Marc Hekster, ang panunuod ng “Friends” ay nakatutulong sa mga indbidwal na nakararanas ng anxiety.

Bumibida sa “Friends”ang anim na karakter na ginagampanan nina Ross Geller, Rachel Green, Monica Geller, Joey Tribbiani, Chandler Bing, at Phoebe Buffay. Umiikot ito sa problema sa pamilya at relasyon ng bawat karakter. Bukod sa pagiging isa sa pinakaiconic shows sa ‘90’s, ang American TV sitcom ay nagtuturo ng totoong kahulugan ng pagkakaibigan.

Sa isang panayam, sinabi ni Hekster na, “Having worked for over a period of 20 years with those experiencing anxiety, I can conclude that among other factors, it is the repetitive and relational nature of programs such as “Friends” and “Big Bang Theory” that will be doing the trick.”

Kahit na normal ang pagkakaroon ng anxiety,  inamin ni Hekster na minsan ay sumusobra ito. May ilan na magsasabi ng magandang side ng anxiety ngunit mas marami pa rin ang nagnanais na kumawala rito.

Ayon sa clinical psychologist, mayroong kakaibang mensahe ang show na makapagpapakalma sa mga indibidwal na nunuod nito.

“Yes, it is soothing to see the same outcome every time and know you can depend on it. This is at the heart of human development. So, when grown-ups are anxious, they can have child-like feelings of fear and worry, and these can be soothed by repetition,” paliwanag ni Hekster.

Ang panunuod din aniya ng “Friends” ay nagbibigay ng pag-asa sa mga manunuod gayong ang mga karakter sa show na nakararanas ng problema ay nasusulusyonan din ito sa dulo.

“Complex problems are made the focus of each episode, and then they are resolved within the relationships which are the essence of the shows. It is pure escapism – excellent, bring it on.”/Remate News Team