Frontal system, ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Frontal system, ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

May 15, 2022 @ 8:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan sa Batanaes ngayong Linggo ang frontal system na nakaaapekto sa Extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA.

Samantala, makararanas naman ng kalat na pag-ulan sa ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao, dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Magiging maulap ang kalangitan sa Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Eastern at Central Visayas, na may kalat na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa kapag lumakas.

Samantala, makararanas naman ang Metro Manila at natitiranf bahagi ng bansa ng partly cloudy to cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Inaasahan naman ang slight to moderate na tubig-dagat sa bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:29 ng madaling araw at lulubog mamayang alas-6:17 ng hapon. RNT/SA