Fuel prices unbundling bill pinamamadali sa Kamara

Fuel prices unbundling bill pinamamadali sa Kamara

January 24, 2022 @ 12:28 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Umapela si Bayan Muna Rep. Carlos Zaratesa House leadership na madaliin na ang pag apruba sa House Bill 10386 o Unbundling of Fuel Prices bill na naglalayong maging transparent ang pricing scheme ng produktong petrolyo.

“Congress should fast-track House Bill 10386 so that consumers would finally see the oil pricing processes. This is all in the spirit of transparency since the country is still under a pandemic and every peso means so much more, especially to ordinary already economically burdened consumers” paliwanag ni Zarate.

Nakapaloob din sa nasabing panukala ang consolidated bill para din sa pagsusupinde pa ng excise tax sa petroleum products sa loob ng 6 na buwan.

 Sinabi ni Zarate na dapat na kanselahin muna ang pagpataw ng excise tax kasunud na rin ng paglobo ng presyo ng langis mula pa joong nakaraang taon ay ngayong susunud na mga buwan ay maaari muli ang pagtaas.

“This year,  gasoline will increase by P1.50 to P1.60/liter, diesel by P1.80-P1.90/liter and kerosene by P1.60 to P1.70/liter”pag amin ni Zarate.

“Sunod-sunod na naman ang pagtaas ng presyo ng langis pero naiwan na ang aksyon ng gobyerno laban dito. In the midst of this crisis aggravated by the  pandemic gravely affecting our people, especially the poor, we strongly urge the Department of Energy (DOE) to be more pro-active and support this bill,” giit pa ng mambabatas.

Umaasa si Zarate na susuportahan sya ng mga kapwa kongresista lalo at kailangan umano jg transparency sa presyuhan ng langis sa harap na rin ng akusasyoj sa overpricing. Gail Mendoza