Fuel surcharge level para sa January 2023, binabaan ng CAB

Fuel surcharge level para sa January 2023, binabaan ng CAB

December 15, 2022 @ 6:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binabaan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge level sa Enero 2023 kasunod ng pagbaba sa presyo ng jet fuel.

Sa abiso nitong Huwebes, inanunsyo ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla na ang fuel surcharge para sa January 1 hanggang 30, 2023 ay ibinaba sa Level 7.

Sa monitoring period ng ahensya para sa November 10 hanggang December 9, ang presyo ng jet fuel ay may average na P41.50 kada litro, “which corresponds to Level 7 of the Passenger and Cargo Fuel Surcharge Matrix.

Sa ilalim ng Level 7, ang mga pasahero ay sisingilin ng P219 hanggang P708 fuel surcharge para sa domestic flights at P772.71 hanggang P1,124.26 para sa international flights, depende sa flight distance.

Para sa international passenger flights mula sa Pilipinas, ang fuel surcharge ay pumapalp sa P835.05 hanggang P6,208.98.

“Airline wishing to impose or collect fuel surcharge for the same period must file its application with this Office on or before the effectivity period, with fuel surcharge rates not exceeding the above-stated level,” ani Arcilla. RNT/SA