Fuel surcharge sa eroplano, bababa sa Nobyembre

Fuel surcharge sa eroplano, bababa sa Nobyembre

October 19, 2022 @ 5:55 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang bababa ang singil sa passenger at cargo fuel surcharge ng mga eroplano makaraang ibaba ito Civil Aeronautics Board (CAB) sa Level 8 rate.

Ang Level 8 rates ay tumutukoy sa lebel ng singil sa fuel surcharge sa mga pasahero ng airline companies, o P253 hanggang P787 per one-way domestic flight o P835.05 hanggang P6,208.98 one-way para sa international flight.

Sa isang abiso nitong Oktubre 17, sinabi ni CAB executive director Carmelo Arcilla na bumaba rin ang presyo ng jet fuel mula sa P47.27 kada litro noong Setyembre 10 sa P42.87 kada litro nitong Oktubre 9.

Matatandaan noong Mayo ay inilabas ng CAB ang Resolution No. 25 na magbabago sa polisiya ng fuel surcharge kabilang na ang matrix para sa mga cargo mula Level 0 hanggang Level 20.

Sa naturang resolusyon, ang fuel surcharge ay magkakaroon ng pagsusuri kada buwan at iaanunsyo naman ang pagbabago 15 araw bago ang pagpapatupad nito.

Ang applicable fuel surcharge naman ay tutukuyin batay sa two-month average ng jet fuel rates.

“Fuel surcharge is not a part of the basic airfare and may be reduced or removed depending on the price of jet fuel on the market, in accordance with prevailing international practice,” saad sa resolusyon. RNT/JGC