Full alert status itinaas na ng DOH sa CALABARZON

Full alert status itinaas na ng DOH sa CALABARZON

January 13, 2020 @ 2:15 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naka-full alert status na ang lahat ng government health facilities sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), kasunod nang pagsabog ng Bulkang Taal kahapon, ito ay ayon mismo kay Dr.  Eduardo Janairo, ang regional director ng Department of Health (DOH) sa rehiyon.

“All health facilities are ready to provide preventive measures on the possible effects caused by the volcanic eruption that may include traumatic injuries, burns, suffocation, skin diseases, eye injuries, respiratory problems, conjunctivitis and even death,” pahayag ni Janairo, matapos ang isang briefing sa mga provincial health officials at iba pang concerned units sa rehiyon.

“Health emergency personnel, provincial health team leaders including mental health teams are being deployed to specific areas to provide immediate medical and health services,” dagdag pa niya.

Samantala, pinaalalahanan rin ni Janairo ang mga residente na may kondisyong pangkalusugan, gaya ng emphysema o asthma at bronchitis na na- exposed sa ashfall na kaagad na kumonsulta sa doktor upang makaiwas sa mas malala pang kumplikasyon sa kalusugan.

Paliwanag niya, ang volcanic ashfall ay isa sa major health hazards na dala ng pagsabog ng bulkan at ang isang tao na malalantad dito ay maaaring dumanas ng eye, nose at throat irritation, hirap sa paghinga, ubo, bronchitis-like illness at mga minor skin problems.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ni Janairo sa mga residente na manatili na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan at panatilihing sarado ang kanilang mga bintana at pinto upang hindi makapasok ang volcanic ash sa loob ng tahanan.

“For those in evacuation centers, follow orders and await for further instructions. Huwag na huwag po kayong aalis hanggang walang sinasabi ang mga local na opiyal. Bantayan din natin ang mga bata at baka lumabas center at panoorin ang mga nangyayari sa laba ng center,” payo pa ng regional director.

“Napaka-importante na makinig sa radyo upang maging up-to-date sa balita. Huwag na rin pong lumabas ng bahay kung kinakailangan naman be sure to wear protective mask and eye goggles or shades as protection from eye irritation,” dagdag pa niya.

Umapela rin naman si Janairo sa mga retailers at mga traders sa rehiyon na huwag namang samantalahin ang pagsabog ng bulkan upang kumita.

“We are also appealing sa mga retailers at traders in the region na huwag samantalahin ang pangyayari upang maibenta ng mahal ang mga panininda nilang facemasks sa publiko as there are already reports of overpricing and shortage of the N95 mask,” ayon pa kay Janairo.

Babala pa niya, “We will be monitoring prices and take stern action against those who will be taking advantage of the situation by unreasonably raising the prices of face asks.”

Tiniyak rin naman ni Janairo na mamamahagi ang DOH ng mga libreng N95 facemask, maging ng eye drops at protection kits sa mga residente sa high risk areas sa rehiyon. Macs Borja

DOH, MAMAMAHAGI NG N95 MASK

Sa kabilang dako, sinabi ni Domingo na mamamahagi na rin ang DOH ng mga protection kits at supplies gaya ng N95 masks at eye drops sa mga residente na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon kay Domingo, may P1.5 milyong halaga ng mga naturang protection kits at supplies ang ipagkakaloob nila sa CALABARZON Region.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang DOH sa mga municipal at city health officers sa mga high-risk areas para sa pamamahagi ng mga naturang items.

Prayoridad aniya nilang mabigyan ang CALABARZON Region dahil sa pagiging high-risk area nito.

Magdadala rin aniya sila ng mga lalagyan ng tubig at water disinfectant para magamit ng mga residente.

MGA RESIDENTE, PINATATALIMA SA MGA ALERTO AT BABALA NG MGA AWTORIDAD

Samantala, paalala naman ni Health Secretary Francisco Duque III sa publiko, partikular ang mga residente na naninirahan sa Taal Volcano Island at mga kalapit na barangays ng Agoncillo at Laurel, Batangas na kaagad na lumikas, batay na rin sa abiso ng PHIVOLCS.

Pinayuhan rin ni Duque ang mga publiko na sundin ang mga babala at mga paabiso ng mga lokal na awtoridad dahil para naman ito sa kanilang kaligtasan at kapakanan.

Giit ng Kalihim, maaari namang maiwasan ang masamang epekto sa kalusugan mula sa volcanic eruption kung susundin lamang ang mga babala ng mga awtoridad at mga eksperto hinggil dito.

Aniya, ilan sa mga kondisyon na maaaring maranasan kung malalantad sa volcanic ash at gases ay nose at throat irritation, ubo, bronchitis-like illness, hirap sa paghinga, eye irritation, at minor skin problems.

“If you are experiencing any of these symptoms, seek immediate medical attention at the nearest health facility,” payo pa ni Duque.

Pinayuhan rin naman ng kalihim ang publiko na manatili na lamang sa kani-kanilang mga tahanan at bawasan ang kanilang activities.

Kung di naman umano maiiwasang lumabas, magsuto ng N95 mask at ng protective clothing gaya ng goggles.

“I also advise everyone to turn off the air conditioning and fans, close windows and doors to keep ash and gases from getting inside the house, and to remain alert and prepared to evacuate, if advised. For those evacuating, exercise caution when driving in low visibility, and bring extra water for cleaning your front mirrors in case of heavy ashfall,” aniya pa. Macs Borja


  •  
  •  
  •