Full compliance sa SIM registration law ipinanawagan ni Lamentillo

Full compliance sa SIM registration law ipinanawagan ni Lamentillo

December 26, 2022 @ 5:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang bagong promote na Undersecretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na si Anna Mae Yu Lamentillo na tangkilikin ng publiko ang bagong tatag na SIM Registration Law.

Matatandaan na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre ang naturang batas na layong labanan ang lumalalang insidente ng mga text scam, misinformation at spam messages.

Ani Lamentillo, layunin din nito na labanan ang human trafficking, online sexual abuse at exploitation sa mga bata.

“Thus, we enjoin every SIM subscriber or end-user to register their SIMs with their respective public telecommunication entities (PTEs),” sinabi ni Lamentillo nitong Lunes, Disyembre 26 kasabay ng press briefing.

“The implementation of this law shall be at no cost to the end-users. Each PTE will set up a secure website or platform where users will register their SIM,” dagdag niya.

Sa ilalim ng naturang batas, kailangan nang iparehistro ang SIM card ng mga subscribers gamit ang pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, postal address at valid government identification na may kasamang litrato.

Kailangan naman na ibigay ng isang business user ang business name, address at buong pangalan ng authorized signatory nito.

“It is important to note that failure to register will result in the deactivation of the SIM, which means the subscriber will not be able to use it. And if an individual intends to buy a new SIM, he/she would need to register first before the SIM is activated,” ani Lamentillo.

“The DICT reminds all end-users that it is their responsibility to register their own SIMs with their respective PTEs (public telecommunication entities) and to immediately inform their PTEs if there are changes in the information of the SIM card holder, in case of loss of the SIM, or if the owner wants to deactivate the SIM, the end-user must inform the PTE. In case of death of an end-user, the immediate family, relatives, or guardian should report to the concerned PTE,” dagdag pa niya. RNT/JGC