Full disclosure ng pamilya ng gov’t employees hirit ni Tolentino

Full disclosure ng pamilya ng gov’t employees hirit ni Tolentino

September 1, 2022 @ 7:13 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinalutang ni Senador Francis Tolentino ang posibilidad ng pangangailangan na ipalantad sa lahat ng empleyado ng pamahalaan ang sinomang kaanak nito na miyembro ng subersibo o teroristang grupo.

Sa pahayag, sinabi ni Tolentino na kailangan nang ilantad ng gov’t employees ang kaanak nilang subersibo o miyembro ng teroristang grupo matapos madakip ang kapatid ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera sa kasong multiple murder at pagkakasangkot sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

“Perhaps in other branches of govenment, within the heirarchy, in our bureaucracy, perhaps in the [undersecretaries, assistant secretaries], directorial levels, there are still some of those in positions, of power, with siblings, with relatives who are members of terrorist organization. It may not be the New People’s Army or the CPP it may be even your ordinary kidnap for ransom gangs or maybe the Abu Sayyaf or other terrorist organizations,” ayon kay Tolentino sa kanyang privilege speech.

“I’m positing this legal notion, Mr. President, to perhaps trigger the imagination of the Civil Service Commission or even this chamber. Is it now the right time that we also require when one enters the government through an appointment or an elective position to perhaps declare: Do you have a relative within the fourth degree of consanguinity who is a member of a terrorist organization [or] who is an affiliate of an org that seeks to overthow the Republic of the Philippines?” dagdag niya.

Sinabi ni Tolentino na nakatakda sa paglalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth, na dapat ideklara ng empleado ng pamahalaan ang miyembro ng pamilya o kaanak sa fourth degree of sanguinity na nagtatrabaho sa pamahalaan.

“This implied that a similar rule could be adopted in declaring family members who are linked to subversive groups or terrorist organizations,” ani Tolentino.

Aniya na sinusuri ng pamahalaan ng US, Australia at iba pang bansa ang pagiging miyembro ninuman sa paramilitary groups o katulad ng organisasyon na gustong magpabagsak sa gobyerno.

“Bakit po sa atin walang ganyan? Sa atin po nire-require lang natin SALN? Bakit po hinahayan natin?” tanong niya.

Nilinaw naman ni Tolentino na hindi niya sinisisi si De Vera sa pagkakasangkot ng kapatid sa teroristang grupo, ipinalutang lamang niya ang bagay na ito sa ilang indibiduwal na konektado sa opisyal ng pamahalaan na maaaring may access sa mga confidential information at maaaring manganib ang pambansang seguridad. Ernie Reyes