Full F2F classes sa UP, aprub na

Full F2F classes sa UP, aprub na

September 29, 2022 @ 5:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aprubado na ng University of the Philippines ang pagbabalik ng full implementation ng face-to-face classes sa lahat ng undergraduate courses nito sa ikalawang semestre ng academic year 2022-2023.

“This is complementary to the university’s adoption of hybrid and blended learning to equip students for the challenges of the Fourth Industrial Revolution and achieve educational resilience in a volatile and rapidly changing world,” pahayag ng Unibersidad ngayong Huwebes, Setyembre 29.

Matatandaan na nagsasagawa ng full face-to-face classes ang UP sa mga laboratory, studio at practicum courses nito.

Dagdag pa rito, nagsasagawa na rin ng full face-to-face classes sa lahat ng health courses ang UP Manila noon pang Hulyo 2021.

“Details regarding implementing face-to-face classes in all courses and the learning delivery mode in the graduate programs are currently being finalized,” anang UP.

Matatandaan na kamakailan ay sinupalpal ni Senador Pia Cayetano ang limang state universities and colleges kabilang ang UP sa hindi pa pagpapatupad ng full implementation ng in-person classes.

Paliwanag naman ni UP President Danilo Concepcion, alinsunod sa panuntunan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kanilang desisyon na itinanggi naman umano ni Mayor Joy Belmonte batay sa pag-uusisa ni Cayetano. RNT/JGC