Full online course sa 2nd sem ng SY 2022-2023 aalisin na – CHED

Full online course sa 2nd sem ng SY 2022-2023 aalisin na – CHED

November 17, 2022 @ 7:52 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inatasan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga higher education institutions (HEIs) na magsagawa na ng full face to face classes o hybrid learning para sa second semester ng academic year 2022-2023.

Ito ay sa ilalim ng Memorandum Order No. 16 na inilabas ni CHED chairman Propero de Vera III na nagbibigay ng pagkakataon sa mga paaralan na magbalik sa physical o in-person classes na isa sa recovery measures mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“Unless there is an approval from the Commission on Higher Education, an HEI cannot offer its recognized degree programs in full distance learning delivery including online modality,” sinabi ng CHED sa naturang memorandum.

“For HEI’s that will opt to deliver their degree programs in hybrid learning modality, at least 50% of the total contact time should be spent on onsite learning expriences,” dagdag pa.

Sa isang three-unit course na nangangailangan ng nasa 54 contact hours, dapat na 27 oras dito ay isasagawa sa isang physical learning facility.

Ang nalalabing oras naman ay maaaring isagawa sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng self-paced printed o online learning modules, synchronous/asynchronous learning sessions, at remote guided peer learning approaches.

Nagbibigay rin ng mandato ang Memorandum Order No. 16 na ang mga
laboratory courses, on-the-job training (OJT), at aktibidad sa National Service Training Program ay isagawa onsite.

“Unless there is an approval from the Commission on Higher Education, an HEI cannot offer its recognized degree programs in full distance learning delivery including fully online modality,” dagdag pa. RNT/JGC