‘Fully vaccinated’ na dayuhan papapasukin sa Pinas

‘Fully vaccinated’ na dayuhan papapasukin sa Pinas

January 14, 2022 @ 2:42 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Inalis na ang umiiral na travel ban sa Pilipinas, batay sa Malakanyang.

Papayagang makapasok ang mga dayuhan o manlalakbay kung sila ay fully vaccinated against COVID-19 na at tutugon sa protocols.

“Beginning February 16, 2022, proof of full vaccination shall be made a requirement for entry of all foreign nationals allowed to enter the Philippines,” lahad ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa press briefing.

Hindi naman applicable ang naturang polisiya sa mga sumusunod:

  • edad 18 pababa

  • indbidwal na may sertipiko dahil sa hindi maaaring bakunahan

  • foreign diplomats at kanilang qualified dependents/9E visa holders

RNT/FGDC