Fully vaccinated na edad 12-17, pumalo na sa 7.5M – Malakanyang

Fully vaccinated na edad 12-17, pumalo na sa 7.5M – Malakanyang

January 31, 2022 @ 3:13 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa 7.5 milyong mga bata na nasa edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated, base sa datos noong Enero 28.

Sinabi ni kay acting presidential spokesperson at Cainet Secretary Karlo nograles, resulta aniya ito sa patuloy na pagbabakuna ng pamahalaan sa mga naturang age group.

Ani Nograles, makasisiguro naman ang lahat na ligtas at epektibo ang mga bakunang itunurok at ituturok sa mga bata.

Wala rin aniyang dapat na ipangamba ang mga magulang dahil sumailalim sa reformulation o mas pinababa ang doses ng mga bakunang ito na ginagamit para sa mga bata. Kris Jose