Fully vaccinated sa PNP mangangalahati na

Fully vaccinated sa PNP mangangalahati na

September 6, 2021 @ 11:34 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 48% o aabot na sa kalahati ng pwersa ng Philippine National Police ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar kung saan sa 93% na nakatanggap na ng COVID-19 vaccine, 48% ang fully vaccinated na at 45% naman ang naghihintay na lamang ng second dose.

Sa Metro Manila lamang, 63% ng 97% ng police force ang nakakumpleto na rin ng bakuna.

“Sa NCRPO (National Capital Region Police Office) specifically, we see to it na yung ating mga pulis na nadedeploy, lalo na sa mga checkpoint natin, ay fully vaccinated,” sinabi ni Eleazar sa isang panayam.

Nang matanong naman patungkol sa implementasyon ng granular lockdown, siniguro naman ni Eleazar na sasailalim muna sa COVID-19 testing ang mga pulis na idedeploy sa mga ikakandadong lugar.

“Hindi na po mauulit nag nangyari noon sa SONA na habang naghihintay ng resulta ay nasa deployment ka,” pagtitiyak niya. RNT