Fully vaccinated seniors dapat payagan nang lumabas – NCSC

Fully vaccinated seniors dapat payagan nang lumabas – NCSC

May 31, 2021 @ 1:23 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Iginiit ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na dapat nang payagang lumabas ang mga bakunadong senior citizen upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

“We are for giving the seniors a safe space. Groceries, malls and pharmacies are cleaned up every day, so the seniors can be allowed for the first two hours [of their operation] in the morning…Just the seniors so they can spend their money and help our economy rebound amid the pandemic,” saad ni NCSC Chairperson Franklin Quijano sa Laging Handa briefing.

“The senior citizens are part of nation building,” dagdag nito.

Aniya makatutulong din ito sa mental at psychological health ng mga senior.

“This can allow them to do exercise, as well as for their mental and psychological health,” punto ni Quijano.

“Nasa dapithapon na po ang mga senior citizens. Ipahiram niyo po ang umaga,” aniya pa.

Tanging sa mahahalagang lakad lamang pinahihintulutan ang mga nakatatanda na lumabas sa quarantine restrictions. RNT/ELM