Fully vaccinated tourists na pupuntang Baguio dapat dala ang vax cards – mayor

Fully vaccinated tourists na pupuntang Baguio dapat dala ang vax cards – mayor

July 8, 2021 @ 10:20 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Ipinaalala ng mayor ng Baguio City sa mga turista na dalhin ang kanilang inoculation card para sa beripikasyon.

“Kung pwede ho dalhin niyo po itong vaccination certificate o kaya iyong inyong vaccination card. Kung meron kayong QR code mas mabuti po dalhin ang vaccination card na may QR code para ma-verify ho kaagad natin,” lahad ni Mayor Benjamin Magalong sa Teleradyo.

“Talagang may possibility na fraudulent ang kanilang vaccination cards pero we have a way of verifying it.”

Sinanay aniya ang kanilang triage personnel na beripikahin ang mga dokumento at sa lokal na pamahalaan upang tiyakin ito sa pinanggalingan. RNT/FGDC