FULLY VACCINATED WALANG NEGATIVE RT-PCR TEST, PWEDE NA SA BAGUIO CITY

FULLY VACCINATED WALANG NEGATIVE RT-PCR TEST, PWEDE NA SA BAGUIO CITY

July 9, 2021 @ 6:27 PM 1 year ago


SINABI ng Baguio City Tourism Office na bilang pagsunod sa Resolution No. 124-B na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Disease ay maaari nang makapasok sa summer capital ng bansa, ang Baguio City, ang mga lokal na biyahero na kumpleto na ang bakuna at hindi na kakailanganin pa ang negative swab test result.

Pero kailangan mayroong booster dose o second dose ng bakuna ginawa matapos ang dalawang Linggo, kaya kailangang nakatala sa vaccination card o certificate kung saan at kailan isinagawa ang pagpapabakuna.

Ang pagluluwag ay para sa mga biyaherong may “official business” sa Baguio City. Para sa leisure travelers, kinakailangan paring mag-register online sa visita.baguio.gov.ph at kumuha ng QR-coded tourist pass para payagang makapasok sa lungsod.

At para sa mga turista na hindi pa kumpleto ang bakuna, kailangang magpakita ng negative RT-PCR o antigen test result.

Sa kasalukuyan, may 528 pang aktibong kaso ng COVID-19 sa Baguio City sa kabuuang 14,343.

-ooOoo-

MATAGUMPAY ANG PROGRAMA NG ASEAN REGION’S PEATLAND MANAGEMENT STRATEGY

 

Ipinunto ni Department of Environment and Natural Resources Undersecretary for Policy, Planning, and International Affairs Jonas Leones na ang pagiging matagumpay ng ASEAN Regional Programmes on Peatlands ay malaki ang maiaambag sa pagkamit ng ASEAN Region’s peatland management strategy.

Si Leones ang nanguna sa 6th ASEAN Task Force on Peatland at sa magkakasunod na pulong nito noong Hunyo 28 hanggang 30, 2021. Binigyang-diin naman ni ASEAN Secretariat Head of Environment Division Dr. Vong Sok na siyang co-chair, ang kahalagahan ng pagpapanatili ng maayos na pamamahala ng peatlands ay isang istratehiya para sa climate change mitigation and adaptation. Ang Greenhouse gas emissions, climate vulnerability and transboundary haze mitigation ay ilan lamang sa isyu ng peatland management sa rehiyon.