Fully vaxxed na 90M Pinoy target ng gobyerno – Galvez

Fully vaxxed na 90M Pinoy target ng gobyerno – Galvez

January 11, 2022 @ 7:59 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Target ng gobyerno ng Pilipinas na maabot ang 90 milyong Pilipino na fully vaccinated laban sa COVID-19, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

“Ang atin pong main objective ay mabakunahan ang 90 million na Filipino, sa bilang po na ito mayroon po tayong babakunahan na primary series sa 28 to 30 million na katao,” ani Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the Nation nito, Lunes ng gabi.

Sa ngayon nasa 52 milyong Pilipino na ang fully vaccinated sa bansa base sa pinakahuling datos.

Dagdag ni Galvez, kinakailangan pang bumili ng Pilipinas ng 70 milyong doses ng bakuna para naman sa booster shot, at 26 milyong doses para sa pagbabakuna sa edad lima hanggang 11.

Sa ngayon, may bangkong 100 milyong COVID-19 vaccine doses ang Pinas, dagdag pa ni Galvez.

Sa kabilang banda, inamin naman ng opisyal na ang nararanasang pagtaas ng COVI-19 cases sa bansa sa ngayon ay nakaapekto sa vaccination efforts ng pamahalaan.

“Biglang pagtaas ng kaso at infection, ay malaking balakid sa ating vaccination dahil focus ng health care workers at LGU at healthcare personnel ay pondohan ang ospital at karamihan din po sa kanila ay nasa quarantine,” aniya pa sa ulat sa Pangulo.

Nauna na ring kinumpirma ni National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa na bumagal ang pagbabakuna laban sa COVID bunsod ng nararanasang surge sa kaso. RNT