Fully vaxxed Pinoy, 71M na – DOH

Fully vaxxed Pinoy, 71M na – DOH

July 12, 2022 @ 1:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigit 71 milyong Filipino na ang fully vaccinated at protektado na kontra COVID-19.

Ito ay base sa July 11, 2022 na datos ng Department of Health.

Ayon sa DOH, ang edad 12 hanggang 17 taon o mga adolescents ay umabot na rin sa 9.6 milyon ang ganap nang nabakunahan habang 3.7 milyon naman angay edad na 5 hanggang 11-anyos.

Sa mga senior citizens, 6.7 milyon na sa mga ito ang makabuo na ng bakuna kontra COVID-19 .

Base pa rin sa inilabas na datos ng DOH, nasa 15.3 milyong Pinoy naman ang nakapag pa 1st booster shot na habang halos isang milyon ang naka tanggap ng 2nd booster shot. Jocelyn Tabangcura-Domenden