‘Funds, resources’ hamon sa mandatory military service- Lorenzana

‘Funds, resources’ hamon sa mandatory military service- Lorenzana

January 20, 2022 @ 3:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Huwebes na pondo at pagkukunan ang malalaking hamon sa implementasyon ng panukalang mandatory military service para sa lahat ng Pilipinong 18-anyos.

Sinabi ni Lorenzana na dapat magtayo ng training camps sa buong bansa dahil milyong indibidwal umano ang tatanggapin dito.

“There are huge hurdles in implementing this: First, are the funds and resources. Training camps would need to be established all over the land, and manpower and funds must be allocated to accommodate the millions who will reach the age of 18 every year,” aniya.

Ito ang naging reaksyon ni Lorenzana, kasunod ng pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte, na tumatakbong bise presidente para sa Halalan 2022, na irerekomenda niya sa Kamara na magpasa ng panukala na gawing mandatoryo ang military service mandatory sa lahat ng lalaki at babaeng Pilipino na 18-anyos.

Ani Lorenzana, isang retiradong Army general, isa pang hamon na kahaharapin sa panukalang nabanggit ay ang pagtutol ng mga ayaw makibahagi sa militar.

Bukod pa rito, sinabi rin niya na hindi naman naghahanda para sa isang digmaan ang bansa kung kaya hindi kinakailangan ng mas maraming tauhan ng militar.

“We are not on war footing and there will be little need of a general mobilization,” sabi ni Lorenzana.

Patuloy niya, suportado naman umano ng Department of National Defense ang suhestiyon ng Davao mayor. RNT/SA